
PARA KAY B ni RICKY LEE.
Sobrang saya ko kasi nakabili na rin ako nun. Sabi ko sa sarili ko, “Finally, malalaman ko na rin ang nilalaman ng librong yan”.
Nalaman ko lang yan about sa isang writer sa Wattpad. Dahil meron ito sa isa sa mga stories nya. Curious na curious ako nun kasi ang ganda ng pagkagamit nya sa story. Kaya nagsearch ako about dun. Yung synopsis, mga book reviews, thoughts, pati sana summary isesearch ko kaso nagandahan lang talaga ako sa mga reactions ng iba at yung part na “Me quota sa pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya” so napag-isip isip ko na mas maganda pag binasa ko yung buong book. Kinabukasan or sa mga sumunod na araw(ata?) naghanap ako sa National Bookstore sa Vigan kaso wala daw, naubusan. Sobrang laki ng galit ko nun sa NB. Pero nakayanan kong magtiis hanggang sa kahapon, uwian na namin galing Retreat sa Baguio, nagmall kami una kong pinuntahan yung National Bookstore dun, nung una iba yung binili kong book kasi yun naman talaga sadya ko dun pero sinabi ni Cyril, “Uy, Para Kay B!” dun ko lang naalala yun, kaya ayun medyo napatakbo pa akong naghanap dun. And yeah, FINALLY MAY NABILI NA AKO.
Katatapos ko lang basahin yun kaninang umaga. Kahapon ko pa nasimulan yung siguro mga 2pm ako nagstart nung nasa bus pa kami pauwi ng Ilocos. Hindi ako natulog. Nakaheadset lang ako nakikinig sa Maroon 5 songs at walang pakialam sa tawanan ng iba hanggang sa umabot na ng gabi nasa bus parin kami nagbabasa. May ilaw naman dun kaya tinuloy ko pa pero pagdating na sa Candon nagstop na ako kasi medyo nahihilo na ako at wala na akong naiintindihan sa binabasa ko. At kay Bessie ako nagstop nun.
Hindi naman ako nagsisi na binili ko yun kasi super ganda. As in sobrang galing ni Ricky Lee. Pati nga yung cover ang astig. Tapos yung laman ng book parang nagkukwento lang.Hindi ko alam pero iba sya sa mga nababasa ko. SOBRANG GANDA TALAGA PROMISE. Kahit na walng closure halos lahat. XD
PS: Pinakaunang book na binili ko na tagalog. :)
October 23, 2012
Yun yung isa sa mga hiningi ko na may kapalit, tapos ganun-ganun lang? Shet. AYOKO NA. Badtrip ako ngayon. Dahil lang sa isang subject na yun. Ang saya-saya ko pa na pumasok kanina. Nagrereview at lahat lahat. Pero.. PUTANG INA AYOKO NA. Siguro mali na inuna kong rineview yung dalwang subject na yun. HINDI KO MAINTINDIHAN SARILI KO. Marami akong mali, alam ko yun pero.. kahit konting consideration man lang sana. :((
YUN LANG TALAGA YUNG ALAM KONG MAKAKAPAGPASAYA SAKIN, PERO ANO? WALA NA. PINIPIGILAN KO YUNG SARILI KONG MAGTEXT, MAG-INTERNET O KAHIT NA ANO BASTA LANG MAKAPAGREVIEW AKO KASI GUSTO KO TALAGANG MAKUHA YUN. AS IN GUSTONG GUSTO KO YUN. NAGSAKRIPISYO AKO PERO SA TINGIN KO WALA RING PATUTUNGUHAN YUN. SAYANG. ISANG MALAKING SAYANG :|
OKAY GUYSH. KINIKILIG AKO!!!!!!!!!!! :”>
Ag hot kasi ni Kuya Tj eh tapos ang galing pa niya kumanta. Tapos basta!!!!! Ang galing niya. Kaya mahal na mahal ko yan
Ano ba kasi ang mali sa pagbabasa ng Fifty Shades trilogy? Duh. Trip ng tao yun eh. May problema ba dun? And besides, nasa nagbabasa na rin yun kung makakayanan nila yung content nun. Haller! WALANG BASAGAN NG TRIP! >:)